via Wikipedia”Just when I thought that our group would not have cases for our ER rotation, the last day came.”
ER experience is the best, so far. And I’m hoping there’ll be more exciting things to come.
-----------------
Yun.. kala ko hindi na talaga kami magkaka-case. So here’s the story (hindi ako magaling sa story telling :D pasensya na po.).
Our duty was in Angono General Hospital, E.R, under Sir Edwin Malic.
We share duty hours with Unciano -- so that’s 4 hours Emergency Room, 4 hours IE room.
Alternate kami kung 2-6 and 6-10. So ayun na nga, ganyan sched sa duty.
During the first few days, napansin ko, pag sila nasa ER, napaka daming tao tsaka parang lagi silang nagkakagulo, tapos pag turn na namin, wala, chill na chill lang, pasanda-sandali may dadating (na patient) , tapos chill ulit, may dadating, chill ulit (mejo didiscuss si sir), ganun ganun lang.
Same thing happened every single day. Mostly, ang ginagawa namin, the usual VS, prepare ng meds, TSB, O2ation, nebulize, ayun, tapos mostly tetanus yung nabibigay nameng meds tsaka skin test kasi karamihan ng na-i-ER nasugatan ng kawayan, nasaksak ng kutsilyo, nabubog, tsaka mga nakagat ng aso,
(kaya nagsawa kamay ko kakabukas ng ampule)
Tapos, nung last day, eto na nga, we were assigned 6-10 sa ER, kasi we had our “case presentation” (hahaha) ng 2-6. Kala ko, hindi masyado busy, kasi nung mga first few hours, nakatayo lang kami, pero maya-maya may dumating na patient, isu-suture, kala ko ako mag-aassist, pero yung groupmate ko in-assign ni sir. After nun, (umuulan nga pala :D) medyo dumadami mga patient na sinusugod sa ER. Merong isang buntis, for IE, eh that time, dahil siguro last day, medyo maaga umuwi yung mga taga-Unciano, so kami din nag-assist sa IE room. Dalawa yata o tatlo sa groupmates ko yung sumama sa kanya tapos narinig ko pa siya na “manganganak na ko”. Tapos meron namang manong na nasaksak sa kamay (medico-legal case) for suture din, ako na pinag-assist ni sir (actually, nagvolunteer na ko, hahaha). Sabi sa ‘kin ni sir “hindi ko mapipirmahan yung manual mo, kasi pag medico-legal walang case number, baka kwestyunin ng PRC” dun naman ako nalungkot, pero nag-assist pa din. Habang inaasist ko si doc sa suturing (at habang nagkwekwentuhan kami :D) may narinig kaming umiiyak na baby, galing sa IE room --- nanganak yung buntis dun, ang kulit, medyo (medyo lang naman) nagkagulo. Tapos may bago na namang dumating na for suture, sa ulo, lasing na manong. Iba naman nag assist, ako pumunta sa IE room para tumulong ng onti. Tapos nagka problem pa sandali sa suction machine, pero naayos naman. Sa last day pala kami hahagupitin ng pasyente pati ng bagyo. Napagod ako pero nag enjoy ako sa ER.

